|
Menu
|
|
|
Social
|
|
|
|
Walang Hanggang Paalam
Contributed by
Nelly
on
Sunday, 19th September 2004 @ 06:37:42 PM in AEST
Topic:
LovePoetry
|
Ang unay nakupasan na ng panahon. Ang huliy, kailan nga bat, hindi ba ngayon? Ilang ulit na rin ang mga paalam natin. Mga paalam na mulit muli nananakit, paulit- ulit ngunit kailanmay hindi nakamamanhid sa damdaming sawi sa isipang lunod sa iyong alaala sa pusong gutom sa katawang hindi minsan makabata.
Nagsawa na ba ako? Hindi kung sa pagdadalamhati, sapagkat alaala mo ang sanhi. Ano man ang bunga sa akiy hindi ko pinipili. Lungkot at saya. Minsay pagsisisi. Madalas may kamatayan, tinitiis ano man. Alaala mo iyan.
Ilang paalam na nga ba ang binitawan? Ilang ulit na bang sa akiy kamatayan? Kailan ang huling paalam? Kailan wawakasan ang atin bang nasimulan?
Sa huling ito na pagkikita, muling namasdan ang hiyas mong mukha. Ang ngiti mong sa lahat ay dakila. Kahit na dahil marahil sa kaniya na bago mong nakita. Napakadakila. Langit sa akin.
Salamat, gayunpaman. Paalam. Itoy walang hanggan. Paalam. Walang hanggang paalam.
Copyright ©
Nelly
... [
2004-09-19 18:37:42] (Date/Time posted on
site)
Advertisments:
|
|
|
|
|
Sorry, comments are no longer allowed for anonymous, please register for a free membership to access this feature and more
|
|
All comments are owned by the poster. Your Poetry
Dot Com is not responsible for the content of any
comment. That said, if you find an offensive comment, please
contact via the FeedBack Form with details, including poem title
etc.
|
|
|
|