|
Menu
|
|
|
Social
|
|
|
|
Paglisan
Contributed by
Nelly
on
Sunday, 19th September 2004 @ 06:41:43 PM in AEST
Topic:
SadPoetry
|
Ano pa ba ang nalimutan kong iimpake?
Kumpleto na ang mga damit. Kumpleto na ang mga aklat, Personal na kagamitat abubot. Nasa bag na lahat.
Ano pa ba ang nakalimutan kong iimpake?
Alam ko na. Alaala. Mga kaibgang nakasanayan nang kasama Sa hirap, sa ginhawa. Mga kibigang mulit muling inaalala Binabalikan, kahit kasawian. Karanasan. Sa paaralan, magkakasama, tulung- tulong May bonding, masarap ulitin. Sa mall, kung saan-saan, kahit walang patutunguhan Sama-sama, tsikahan.
Kailangan pa ba silang iimpake? Hindi na yata. Hindi na. Nasa pusot isipan ko naman sila lagi eh. Kung gusto kong matawa Kung gusto kong maiyak Kung gusto kong ngumawa Kung gusto kong humalakhak, Nariyan sila. Narito.
Ano pa ba ang nalimutan kong iimpake?
Wala na. Kumpleto na ang lahat ng dadalhin ko. Aalis na ako. Umaasang babalik Upang muling Makapiling. Babalik!
Copyright ©
Nelly
... [
2004-09-19 18:41:43] (Date/Time posted on
site)
Advertisments:
|
|
|
|
|
Sorry, comments are no longer allowed for anonymous, please register for a free membership to access this feature and more
|
|
All comments are owned by the poster. Your Poetry
Dot Com is not responsible for the content of any
comment. That said, if you find an offensive comment, please
contact via the FeedBack Form with details, including poem title
etc.
|
|
|
|